segunda-feira, 3 de maio de 2010





No More Divisions

http://www.youtube.com/watch?v=34rnA8_sNu4

domingo, 2 de maio de 2010

Ang Pagiging Pinoy

Dumating ako sa Pilipinas sa unang pagkakataon noong Oktubre 2007. Sa panahong iyon, hindi ko pa alam na ito ang bansang kung saan magsisimulang mabuo ang aking pangarap: ang umawit at lumikha ng musika.Bago matapos ang 2008, umalis ako sa trabaho ko bilang international reporter para isiping mabuti ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay.

At noong 2009, naglakbay ako sa maraming lugar upang mahanap ang sagot sa aking mga katanungan. Pumunta ako sa Brazil, Spain, naglakad ako ng 800 kilometro sa loob ng 30 araw mula sa hangganan ng France hanggang sa Santiago de Compostela sa Galicia. Pagkatapos, bumalik ako sa Pilipinas noong Nobyembre 2009. Malinaw kong tinanggap ang aking misyon sa mundo: ang LUMIKHA NG MUSIKA.

Habang papunta akong Santiago de Compostela, na mas kilala bilang Way of St. James (isa sa mga pinakamatandang daanang Kristiyano), kumatha ako ng ilang awit, kasama ang chorus ng No More Divisions. Pagkatapos, nagsimula akong mag-aral ng pagtugtog ng gitara para lapatan ng musika ang mga kanta, at naging bahagi sila ng buhay ko habang dumadami ang mga taong nagpapalakas ng aking loob para maabot ko ang aking mga pangarap.

Sa Pilipinas, nagkaroon ako ng pagkakataong makilala sina Jimmy Antiporda at Noel Mendez. Pareho silang tumulong sa akin na mabigyan ng buhay ang No More Divisions sa pamamagitan ng isang music video na mapapanood ninyo sa YouTube: http://www.youtube.com/watch?v=34rnA8_sNu4Naging bahagi ng proyektong ito ang Hands on Manila at ang mga batang-kalye ng Child Hope Asia. Mababait at magagaling ang mga bata, at punung-puno kami ng kasiyahan habang kinukuha ang videong ito.

Ginawa ko itong blog na ito dahil sa tingin ko, ito ang pinakamabuting paraan para matuto ako ng Tagalog. Hindi ko kayang isipin at gawin na manirahan dito nang walang alam tungkol sa wikang Pilipino. Isa pa, nais ko talagang kumanta ng Tagalog. Ang unang kantang nagustuhan ko ay ang Walang Kasing Sarap ng Brownman Revival noong 2007. Gusto ko ring nakikinig kina Rico Blanco, Noel Cabangon, Noel Mendez, Moonstar 88, Aiza Seguerra, Coffeebreak Island… Sa kanila ang mga unang CD na binili ko sa Pilipinas.

Sa ngayon, unti-unti nang nabubuo ang aking pangalawang music video, na lalabas sa YouTube sa ika-21 ng Mayo. Isa itong kantang may pamagat na “I love you so bad”. Napakaimportante ng kantang ito sa akin.Gusto kong pasalamatan si Monelli, ang siyang tumutulong sa akin para isalin ang aking mga salita sa Tagalog. Nag-aaral ako ng Tagalog ngayon, at sa susunod, ako mismo ang magsusulat ng talambuhay ko sa Tagalog. Hindi ito magtatagal kasi malapit na akong maging Pinoy.

God bless you all.